Covenant Partnership
Jose Maria College
Kingdom Youth
Sonshine Philippines Movement
ACQ Publication
Online Victory Reports
Children's Joy Foundaion
Kingdom Photo Gallery
 
MORE LINKS

 

Kingdom Original Composition
Watch ACQ-KBN Streaming
Online Donation & Tithing
The Great One Million Cause
DZAR 1026khz: Online Radio
» Home » Publication » Pinas » Latest Issue

 

Latest Issue - November 17-23, 2008


 

Maaabot natin ang rice
self-sufficiency sa hinaharap

 

MARAMI tayong natutunan sa nangyaring krisis sa bigas nitong 2008. Dahil sa mga karanasang ito ay kailangan nating magupgrade upang maabot ang goal ng pamahalaan na rice self-sufficiency sa susunod na mga taon.

Sa kabilang-banda, kaya naman nating mag-produce nang higit pa sa ating panganga-ilangan sa butil.Ang konsumo ng bansa sa bigas ay aabot sa mahigit 13 milyong metriko tonelada.


May sarili tayong produksiyon ng butil na 11.2 milyon at kapos ito para sa pagkain ng mahigit 80 milyong Pilipino kaya umangkat pa tayo ng 2.2 milyong metriko tonelada ng bigas sa Thailand at Vietnam nitong taon.

Ayon sa istatistika, may 4.2 milyong hektaryang lupang taniman ng palay at iba pang mga pananim na pang-agrikultura ang bansa.

Sa kasalukuyan ay 1.4 milyong ektarya lang ng mga lupang taniman ang nagagamit dahil ang mga ito lamang ang kayang abutin ng sistemang patubig at ang iba namang bukirin ay inabando na ng mga magsasaka dahil sa sobrang taas ng halaga ng mga kagamitang pang-agrikultura tulad ng abono at pestisidyo.

Problema rin ng farmers ang epekto ng pabagubagong lagay ng panahon na nagdudulot ng abnormalidad ng panahon.

Dahil sa mga problemang ito na kinakaharap ng bansa, lalo na ang agricultural sector, nilagdaan ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Administrative Order (AO) No. 244 na lilikha ng polisiya na ang kikitain sa Malampaya Project o ang sampung porsiyentong bahagi ng pamahalaan sa kita nito ay magagamit sa rice suffi ciency program.

Bukod dito, may mga pondo pang magbubuhat sa ibang government agencies na isasama sa pondong gagamitin sa programang ito.

Hindi simpleng problema sa parte ng mga magsasaka ang mataas na halaga ng pataba, abono at pambayad sa mga manggagawa sa agrikultura. Nangangailangan sila ng ayuda ng pamahalaan sa pamamagitan ng sapat na subsidiya.

Kasabay naman nito ang pagpapatupad ng programang patubig upang ang mga lupang- sakahan na hindi naaabot ng irigasyon ay mapatubigan at mataniman ng palay at iba pang mga pananim.

Kapag napalawak ang programa ng gobyerno para sa isang masaganang pagsasaka at magawang linangin ang mga tiwangwang na lupang taniman ng palay ay hindi na tayo kakapusin sa bigas at posible ring magluwas na tayo ng bigas sa kalapit nating mga bansa.

Wika nga, walang imposible kung ito ay isasagawa. Kailangan lang ang political will sa parte ng mga namumuno at kailangan din naman ang kooperasyon ng mga mamamayan dito.

Habang isinasagawa ng pamahalaan ang programang ito ay gawing palagi ng taumbayan ang pagtitipid at pagpapahalaga sa pagkain upang hindi ito masayang.

Sa totoo lang, maraming pagkain tulad ng kanin ang natatapon lamang sa basurahan dahil sa kawalan ng pagpapahalaga ng mga kababayan nating kumakain sa mga restaurant, karinderya at iba pang food chain.

Tulungan natin ang gobyerno sa programa nito para makamit natin ang pangarap
na rice self-suffi ciency sa mga darating na panahon.