Covenant Partnership
Jose Maria College
Kingdom Youth
Sonshine Philippines Movement
ACQ Publication
Online Victory Reports
Children's Joy Foundaion
Kingdom Photo Gallery
 
MORE LINKS

 

Kingdom Original Composition
Watch ACQ-KBN Streaming
Online Donation & Tithing
The Great One Million Cause
DZAR 1026khz: Online Radio
» Home » Publication » Pinas » Latest Issue

 

Latest Issue - November 17-23, 2008


 

Epekto ng price control sa gamot matatagalan pa — DOH

NI: NHORALYN F. DELA CERNA

 

HINDI pa mararamdaman ng sambayanang Pilipino ang epekto nang paglalagay ng price control sa mga gamot-medisina na nabibili sa mga botika at iba pang mga pamilihan, ayon sa Department of Health (DOH).

Kamakailan ay nagpalabas ng pahayag ang DOH na ang nasabing ahensiya ay patu ngo na sa hakbang na pabababain ang halaga ng lahat ng gamot sa bansa sa pamamagitan ng pagkontrol sa halaga ng mga gamot sa pamilihan.


Subalit mangangailangan pa ng anim hanggang isang taon ang nasabing ahensiya para sa ebaluwasyon ng Republic Act (RA) 9502 o, ang tinatawag na “Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act of 2008,” ayon kay Health Sec. Francisco T. Duque.

Sinabi rin ni Undersecretary Alexander Padilla ng DOH na patuloy pa rin ang pag-aaral nila hinggil sa RA 9502 dahil hindi aniya madali ang pagsasagawa nito lalo na ang paglalagay ng price control sa mga branded drug maging sa generic drugs.

Marami pa aniyang mga problemang nireresolba sa kasalukuyan ang ahensiya ga ya ng generic prescribing, trade fl exibility, parallel importation at iba pang bagay na kailangang ayusin. Dagdag pa ni Padilla, sisikapin ng DOH at ng iba pang ahensiya ng gobyerno na matapos ngayong Disyembre ang mga karampatang hakbang para sa full implementation ng naturang batas ngunit hindi pa rin maipapangako ng DOH na maging pinal ang lahat sa Disyembre.

Ang Pangulong Arroyo pa rin umano ang pinal na magpapasya sa mga pamamaraang gagawin ng DOH sa pagpapatupad ng nasabing batas.

Ikinasiya naman ng mga mamamayan ang balitang maibababa na ang presyo ng branded at generic drugs. Dahil limitado ang paggawa ng gamot ng mga lokal na drug companies sa bansa, ang branded drugs pa rin ang mabili sa mga botika na mataas ang halaga.

Sa bagong batas ay makagagawa na umano ang local drug manufacturers ng mabiling branded medicines at ibebenta ang mga ito sa mas mababang halaga.

May pangamba pa rin ang mga Pilipino na kung sakaling ibaba ang halaga ng mga gamot ay papatawan naman ng pamahalaan ang mga ito ng mataas na buwis tulad ng value added tax (VAT), na sinasabing dahilan din ng pagtaas ng presyo ng gamot sa pamilihan.

Ito ang tinututukan ngayon ng pangunahing awtor ng nasabing batas na si Sen. Mar Roxas. “Baka ang problema ay hin di lang ang taripa, bak pati ang VAT na ipinapataw rito. Aalamin natin kung ano ang magagawa natin para maipababa natin ang mga sinisingil ng gobyerno,” anang senador.

naasahan na rin ang malusog na kumpetisyon ng mga pharmaceutical company kapag pinapasok na sa Pilipinas ang patented medicines buhat sa iba’t ibang bansa na ibinebenta roon sa mababang halaga. Sa puntong ito ay lubusang matatamasa ng mamamayan ang esensiya ng RA 9502.