Covenant Partnership
Jose Maria College
Kingdom Youth
Sonshine Philippines Movement
ACQ Publication
Online Victory Reports
Children's Joy Foundaion
Kingdom Photo Gallery
 
MORE LINKS

 

Kingdom Original Composition
Watch ACQ-KBN Streaming
Online Donation & Tithing
The Great One Million Cause
DZAR 1026khz: Online Radio
» Home » Publication » Pinas » Latest Issue

 

Latest Issue - November 17-23, 2008


 

Marikina City tumanggap ng
parangal sa WHO

Ni: Eeyesha N. Endar

TUMANGGAP ng karangalan ang Pa mahalaang Lunsod ng Marikina mula sa World Health Organization (WHO) sa isinagawang 3rd Global Conference of the Alliance for Healthy Cities (AFHC) sa Ichikawa City, Japan kamakailan. Unang natanggap ng Marikina ang Regional Director’s award sa pagiging bukodtangi at malusog na siyudad; pangalawa ang Best Practice (Climate Change and Health) award para sa Marikina’s bicycle project; at Pioneers in
Healthy Cities award para kay Mayor Marides Fernando.


Ang mga parangal na ito ay kumilala sa nasabing lunsod bilang modelong local government unit.

Kinilala ang Marikina dahil sa mga programang pangkalusugan at pagpapakita ng pagmamahal sa kalikasan hindi lang sa kanilang lunsod kundi maging sa buong bansa.

Ayon kay Mayor Fernando, ang parangal na natanggap ng lunsod ay lalong nagpatibay sa kanyang layunin na maiangat ang buhay ng mga Marikeño at mapangalagaan ang hakbanging pagpapanatili sa isang malinis at malusog na kapaligiran.

Layunin din umano niyang patuloy na makatulong sa adbokasiya ng AFHC sa pagpoprotekta sa ating kapaligiran upang mapangalagaan ang mga pinagkukunang-yaman at himukin ang mga tao na patuloy na magtulungan at maging aktibo sa mga gawaing tulad nito.