| |
|
|
|
 |
 |
|
 |
|
Stock Now Pay Later
sa mangingisda |
| |
| NI: MARK MARTINEZ DE LEON |
| |
ITATATAG ng Department of Agriculture
(DA) ang tinatawag na “stock now, pay later”
plan para sa mga mangingisdang maaapektuhan
ng climate change.
Sa mabilis na pagtaas ng
temperatura sa panahong
ito, mabilis na maaapektuhan
ang kapaligiran kung
saan lalung-lalong naaapektuhan
ang mga mangingisda.
|
|
|
“Matindi ang magiging epekto ng climate change pagdating sa kabuhayan ng mga mangingisda at hindi natin masisiguro kung ang mga isdang ito ay kayang maka-adopt sa ganitong pagbabago ng panahon,” sabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Malcolm I. Sarmiento.
Kaya naman magpapakilala ang DA at ang BFAR ng stock now, pay later plan, na hihikayat sa ating mga magsasaka na mag-alaga at magpalaki ng mga isda sa aquaculture parks sa mga karagatan.
Magsisimula ang proyekto sa Balingasag, Cagayan de Oro na pamamahalaan ng BFAR at magbibigay ng mga pampanimulang pagmumulan ng ani.
“Kung ito’y magiging matagumpay, ang ating mga magsasaka ay hindi na manghuhuli pa sa malawak na karagatan, sila’y magiging mga magsasaka na at hahango na lang sa aquaculture parks na mga ito,” sabi ni BFAR Director Malcolm I. Sarmiento.
|
 |
Magsasagawa ang BFAR ng mga indigenous o native na materyales sa paggawa ng hawla kaysa sa gumamit ng mamahaling PVC pipes. May sukat itong 50 by 10 meters at hahatiin sa limang hawla, isang hawla kada mangingisda at ito’y rerentahan ng bawat mangingisda ng P10,000 kada panahon ng hanguan.
Magbibigay ng metriko tonelada (MT) ng bangus ang bawat hawlang ito, na may P90 kada kilo at magbibigay ng kita sa mga magsasaka nang hanggang P360,000 matapos magbigay ng cage rental kada hanguan. |
|
|
|
|
|
|
|
|
|