 |
 |
|
 |
|
| Mantika fuel para sa PNP patrol cars |
| |
MALAKING problema ng iba’t ibang
yunit ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas
ang fuel sa mga sasakyang gamit
sa operasyon at pagpapatrulya sa mga lansangan,
lalo na sa panahon ng pangangailangan.
Dahil kapos sa badyet
sa gasolina o krudo ang
kuwerpo ng pulisya dahil
sa mataas na halaga ng
produktong petrolyo, hindi
magampanan nang lubos
ng ating kapulisan
ang kanilang tungkulin.
|
|
|
May pagkakataon na sa
bulsa mismo ng mga pulis
na nagpapatrulya nanggagaling
ang panggasolina
sa hawak nilang patrol
cars.
Nangyayari rin na hindi
pa umaabot sa lugar na rerespondehan
ang patrol vehicle
ay naubusan na ito
ng krudo. Kaya ang nangyayari,
tapos na ang kaguluhan
bago dumating sa
lugar ang mga pulis.
Pero may mga siyudad
at munisipalidad na sinusustinihan
ng mga local
official ang badyet sa fuel
ng mga sasakyang gamit
ng pulis. Bagama’t may
badyet namang inilaan ang
DILG sa patrol vehicles pero hindi ito makasapat.
Kaya umakda ng isang panukalang batas ang mga mambabatas sa Senado na naglalayong ihalo sa krudo ang pinaglutuang mantika o used cooking oil upang maging panggatong.
Sa Senate Resolution 550 ay nakasaad dito na dapat pag-aralan ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs ang paggamit ng pinaghalong diesel at mantika sa lahat ng patrol cars ng PNP at ng iba pang mga ahensiya ng pamahalaan.
Subok na ang paraang ito sa Lunsod ng Makati, na ang patrol cars ng pulisya sa nasabing lunsod ay gumagamit ng pinaghalong used cooking oil at krudo.
Sa pag-aaral na isinagawa sa naturang siyudad, nakatipid ang pamahalaan doon ng kalahating milyong piso dahil sa nasabing paraan.
|
Sa pamamagitan ng prosesong isinasagawa sa refinery ay nasasala ang mga pagkaing nakahalo sa mantika maging ang tubig at pararaanin sa cold processing sa loob ng walong oras.
Ang magiging ratio ay 60-40 (diesel-cooking oil), kaya halos walang usok na makikita sa tambutso ng mga sasakyang gumaga mit ng pinaghalong sangkap
kapag umaandar ang
makina ng sasakyan. |
 |
Pabor ang pamamaraang
ito sa mga may-ari ng
fast food stores na malakas
mag-produce ng used
cooking oil dahil hindi na
nila problema ang pagtatapon
ng liquid waste
dahil mayroon nang paggagamitan
ang pinaglutuang
mantika nila.
Makatutulong din ito sa
pagpapanatili ng malinis
na hangin dahil kakaunti
lang ang emission ng fuel
na diesel at used cooking
oil.
|
|
|
|
|