Covenant Partnership
Jose Maria College
Kingdom Youth
Sonshine Philippines Movement
ACQ Publication
Online Victory Reports
Children's Joy Foundaion
Kingdom Photo Gallery
 
MORE LINKS

 

Kingdom Original Composition
Watch ACQ-KBN Streaming
Online Donation & Tithing
The Great One Million Cause
DZAR 1026khz: Online Radio
» Home » Publication » Pinas » Latest Issue

 

Latest Issue - September 01-07, 2008


 
Giyera sa Mindanao
‘wa-epek ‘ sa business
sectors—Lacson

NI: NHORALYN F. DELA CERNA

 

INAAKALA ng mga negosyante at ng mga mangangalakal sa Luzon na nakaapekto nang malaki sa sektor ng pamumuhunan ang patuloy na giyera sa Mindanao ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Dahil dito, pinaniniwalaang malaki ang nawalang kita ng mga negosyante sa naturang lugar. Ngunit kabaliktaran ito sa pahayag ni Edgardo G. Lacson, pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) dahil hindi aniya

sila apektado sa naturang giyera dahil ang nagiging apektado rito ay ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sapagkat wala na itong nakokolektang buwis sa naturang lugar.

“The impact of business is negative to us. It’s a neutral because whatever we are withholding before from the salary of our employees as tax, we just give it back to the employees. The impact will be at the BIR because this will lessen their collection target and effort. Kaya sa aming taxpayers, walang impak ‘yun,” sabi ni Lacson.

Suhestiyon ni Lacson na dapat na gawing hakbang ng gobyerno ay bumalik sa ‘negotiating table’ at pagusapang muli ng gobyerno, MILF at ng iba’t ibang sektor sa lipunan ang usaping pangkapayapaan patikular na sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD).

“Shooting between brothers, there are no victors only victims. So let’s have the unity in this country; one nation, one people that is the basic premise,” sabi ni Lacson.

Higit umanong apektado ang mga residenteng naninirahan sa war zone dahil naroon sa lugar nilang inabandona ang kanilang mga kabuhayan tulad ng mga pananim at mga alagang hayop kaya ang taumbayan na naiipit sa digmaan ang higit na naaapektuhan ng kaguluhan.

Sa kabilang banda, hindi muna nagbigay ng opinyon si Lacson sa usapin ng ‘chacha’ o charter change dahil ang cha-cha ay ‘political exercise.’ Ang adbokasiya aniya ng PCCI ay para sa pagbabago ng ‘economic provision’ hindi sa ‘political provision.’