Malaki ang maitutulong ng LPG fuel upang mabawasan ang emisyon ng carbon monoxide at hydro carbon ng mga motorsiklo.
Bukod sa environmentfriendly, nakababawas ito sa gastusin ng mga driver sa araw-araw dahil mas mura ito kaysa sa gasolina.
Ani Atty. Princess Feliciano, chief ng CTMDO, nakita ng pamahalaan na magandang opsiyon ito hindi dahil sa mas matipid kundi higit sa lahat, para mapanatili ang kalinisan sa hangin.
Inirekomenda nila sa mga tricycle driver na sumailalim sa ilang araw na seminar upang mapag-aralan ang tamang paggamit ng LPG at ang pag-iingat dito. |