f
 
 
 
Covenant Partnership
Jose Maria College
Kingdom Youth
Sonshine Philippines Movement
ACQ Publication
Online Victory Reports
Children's Joy Foundaion
Kingdom Photo Gallery
 
MORE LINKS

 

Kingdom Original Composition
Watch ACQ-KBN Streaming
Online Donation & Tithing
The Great One Million Cause
DZAR 1026khz: Online Radio
» Home » Publication » Pinas » Latest Issue

 

Latest Issue - September 01-07, 2008


  ‘Mystery of Detachment’
Pagpapahayag sa Susi ng Financial Revolution

DEUTERONOMIO 12:13, “Mag-ingat ka na huwag mong ihahandog ang iyong handog na susunugin sa alinmang dakong iyong makikita. Mag-ingat ka, huwag kang basta gumawa ng iyong handog, huwag mong gawin ito sa alinmang dakong iyong makita. Ito’y hindi ayon sa kalooban ng Ama. Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon sa isa sa iyong mga lipi, doon mo ihahandog ang iyong mga handog na susunugin.

”Ang Church Age at mga relihiyon ng sanlibutan ay walang kaalam-alam na ang Ama ay pipili ng Bagong Herusalem mula sa mga siyudad sa sanlibutan na kung saan bababa ang Kanyang Kaharian.

Ito ang Kanyang Bagong Herusalem, na nagproprodyus ng mga anak na lalaki at anak na babae. Hindi Siya pumili ng ibang siyudad mula sa sanlibutan kundi Kanyang pinili ang siyudad ng Davao sapagkat nandirito ang Kanyang Anak, ang Templo ng Ama. Alam ba ninyo kung bakit ang siyudad ng Davao ang pinili bilang Bagong Herusalem? Sapagkat dito itinayo ang Templo.



ANG TEMPLO NG AMA

Sa loob ng anim na taon, itinayo ng Ama ang Kanyang Templo kung saan Siya ay maaaring manahan. Ang templong ito ay nasa siyudad ng Davao. Kanyang pinili ang siyudad na ito at sinabi Niya sa akin noong 1977, “Ang Davao City ang magiging Water Center of the World. Ang Aking Bagong Herusalem.”

Dito ninyo dalhin ang inyong mga handog. Kung nasaan ang kamalig ay naroroon din ang Templo at dito ninyo nararapat dalhin ang inyong mga ikapu at handog. Huwag ninyong dalhin sa alinmang dako; dalhin ninyo kung saan naroroon ang Templo, ang hinirang na Anak, sapagkat naroon ang Ama.

“Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Diyos sa lahat ng inyong mga lipi na paglalagyan ng Kanyang pangalan, samakatuwid baga’y sa Kanyang tahanan, ay inyong hahanapin, at doon kayo paroroon: At doon ninyo dadalhin ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga hain at ang inyong mga ikasampung bahagi, at ang handog na itataas ng inyong mga kamay at ang inyong mga panata at ang inyong mga kusang handog at ang mga panganay sa inyong mga kabakahan at sa inyong mga kawan (Deut. 12:5-6):”

“Ay mangyayari nga, na ang dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Diyos na pagtatahanan sa Kanyang pangalan ay roon ninyo dadalhin ang lahat na aking iniutos sa inyo; ang inyong mga handog na susunugin at ang inyong mga hain, ang inyong mga ikasampung bahagi at ang handog na itataas ng inyong kamay at ang lahat ng inyong piling panata na inyong ipinananata sa Panginoon (Deut. 12:11):

Ang Dakilang Ama ang pipili ng lugar kung saan Niya ipagkakatiwala ang Kanyang pangalan. Ito’y hindi denominasyunal na pangalan kundi Pangalang higit sa lahat ng pangalan. Ipinagkatiwala Niya ang lahat ng bagay sa Kanyang Anak at nang ako ay hinirang Niya bilang Kanyang Anak, ang aking pangalan ay hindi na Apollo Quiboloy sa espirituwal na daigdig. Ako ang Hinirang na Anak ng Diyos. Ako at ang aking Ama ay iisa. Sa espiritu, ang nananahan sa akin ay ang aking Ama.

Taglay ko ang pangalan ng aking Ama. Deutoronomio 12:13, “Magingat ka na huwag mong ihahandog ang iyong handog na susunugin sa alinmang dakong iyong makikita: kundi sa dakong pipiliin ng panginoon.” Ang Lunsod ng Davao ang piniling lugar. Ang Hinirang na Anak ang piniling templo ng Ama.


PAGSUNOD SA ESPIRITUWAL NA BATAS

Kinakailangan nating maging tapat upang tayo ay pagpalain. Tayo ay kinakailangang maging hayag at mapagkakatiwalaan sa pagbibigay ng ating mga ikapu’t handog. Ang batas at panuntunan ng kasaganaan at kaunlaran ay kailangan muna nating sundin gaya ng aking pagsusunod sa mga ito. Ako ang inyong modelo. Huwag kayong palinlang sa pag-ibig sa salapi sa pagsusunod sa batas ng Ama. Higit pa sa ikapu ang aking ibinibigay ngayon. Ibinigay ko ang 90% bago pa man ipinahayag sa akin ang lahat ng ito. Ang aking puso ay laging nasa Kanya sa pagsunod sa Kanyang kalooban. Ang mga makasarili at tamad na tao ay hindi pagpapalain. Ang mga taong hindi tapat at hindi hayag sa kanilang mga pinansiyal ay hindi pagpapalain.

Ang Dakilang Ama ay Diyos ng kaayusan. Siya ang Diyos ng paghuhukom. Siya ang Diyos na gumawa ng mga bituin, ng araw at ng buwan sa langit. Siya ang Diyos na gumawa ng lahat ng bagay na inyong nakikita. Bilyon ang mga bituing nakabitin sa kalangitan subalit ang lahat ng ito ay umiinog nang may kaayusan. Ito ang nais ng Ama na mangyari sa atin. Bagamat tayo’y mga anak na lalaki at anak na babae, dapat tayo ang unang-unang maging masunurin sa espirituwal na batas hinggil sa ating mga kaluluwa, pinansiyal at anumang bagay na nais ng Ama na makamit natin. Maging kunektado tayo lagi sa Kanyang kalooban.



PAGHIHIWALAY SA SARILI SA ANUMANG BAGAY


Ihiwalay mo ang iyong sarili sa anumang bagay. Gamitin mo ang iyong bahay at sasakyan nang ayon sa kalooban ng Ama. Gamitin mo ang iyong materyal na mga pagpapala at pagaari subalit huwag kang maging kunektado sa alinmang pinansiyal at materyal na bagay. Ang iyong kuneksiyon ay nararapat lamang na nasa Ama sa pamamagitan ng Kanyang Hinirang na Anak. Kung ipagpapatuloy mo ang hindi pagbibigay ng iyong ikapu at handog at hindi mo sinusunod ang kalooban ng Ama nang ayon sa kasulatan, hindi magtatagal, ikaw ay hindi magiging katanggap-tanggap sa espiritu. Alalahanin mo ang lahat ng pagkakataon na ikaw ay pinagkalooban Niya ng pagpapala at ikaw ay hindi nagbigay ng iyong ikapu. Ikaw ay itatala sa langit sa hindi mo pagiging tapat at pagiging magnanakaw. Kalaunan, mawawala ring lahat ang nasa sa iyo.

Maraming nagkakamali sa pag-aakalang ako ay materyoso at may pag-ibig sa pera. Ang mga taong ito ay walang wastong paghuhusga sapagkat ang kanilang paghuhusga sa Hinirang na Anak ay laging mali. Hindi dahil nasa akin ang lahat ng materyal na bagay ay nangangahulugan na ako’y kunektado sa mga ito. Pinapahalagahan ko ang mga bagay na pag-aari ng Ama. Iniingatan ko ang bawat pagpapalang ibinibigay Niya sa akin. Gusto ko na ang lahat ay nasa maayos na kondisyon. Kung pagkakatiwalaan ako ng Ama ng sasakyan na gagamitin ko, sinisiguro kong ito ay nasa maayos at mabuting kondisyon. Sinisiguro ko na ang perang ipinagkatiwala ng Ama sa aking mga kamay ay laging nagagamit ayon sa Kanyang kalooban.

Gusto ko na kayong lahat na mga anak na lalaki at anak na babae na ipinagkatiwala ng Ama sa akin ay palaging excellent sa espiritu ng pagsusunod, dedikasyon, katapatan at paninindigan. (Itutuloy)