Ayon sa Pambansang Kamao, makakamit natin ang tagumpay sa pandaigdigang sports event kung ang gobyerno at ang pribadong sektor ay kapwa magtutulungan para sa ating mga national athlete.
“Tama lang din na makakuha ng exposure ang ating mapipiling mga atleta. Dahil dito, ang gobyerno at pribadong sektor ay dapat nagtutulungan. Asahan po ninyo na ako ay susuporta para sa ginto sa 2012,” sabi pa ni Pacquiao.
Sa kabila ng kabiguang natamo ng mga atletang Pilipino sa Beijing, buhay pa rin ang pag-asa ni Pacquiao na makababangon ang Pilipinas sa nasabing larangan kung ang ating mga lider at ang sambayanang Pilipino ay magkakaisa ng layunin sa pagpapalakas ng sports program sa bansa.
Ito ang ikatlong sunod na Olympic Games na nabigong makapag-uwi ng anumang medalya ang Team Philippines matapos ang silver medal ni light flyweight Mansueto ‘Onyok’ Velasco, Jr. noong 1996 sa Atlanta.
|