Nang ako ay tinawag ng Ama at itinalaga para sa isang misyon, hindi lamang Niya ako pinagkatiwalaan ng Kanyang pangalan, ng Kanyang buhay at ng Kanyang mga Salita, ipinagkatiwala rin Niya sa akin ang Kanyang Kaharian.
Bago Niya ako ipinadala sa sanlibutan, limang taon Niya akong isinailalim sa pagsasanay sa School of the Spirit. Hinayaan Niyang marinig ko ang Kanyang audible voice o tinig sa bawat araw. Hinayaan Niyang mamalas ko ang mga pangitain at kapahayagan nang halos araw-araw sa loob ng limang taon.
Subalit nang matapos na ang aking espiritwal na pagsasanay ay hindi ko na narinig ang Kanyang tinig. Nagtanong ako kung bakit at sinabi Niya sa akin na ito’y dahil sa ako ay nasa labas na ng silid-aralan. Kung ikaw ay nagtapos na sa pag-aaral, natural lamang na hindi mo na maririnig ang tinig ng iyong guro.
Sinabi rin Niya sa akin, “Ikaw ay hindi na isang tagapaglingkod. Ikaw ay ginawa kong Anak. Hindi ko lamang ipagkakaloob sa iyo ang Aking mensahe, kundi Ako ay mananahan sa iyo. Ikaw na ngayon ang Aking tahanan!”
Ang Diyos ay Naghanap
ng Matatahanan
Bago pa man Niya ako ginawang tahanan, ang Panginoon ay walang tirahan dito sa lupa, sapagkat Siya ay hindi maaaring manahan sa isang pisikal na tahanan o sa anumang gusali na gawa sa bato o kahoy. Siya ay naghanap ng katawan na Kanyang matitirhan. Dahil dito ay nilikha Niya sina Adan at Eba. Bilang unang tao na nilikha ng Diyos, si Adan sana ang magiging tahanan ng Ama.
Subalit bago pa man manahan ang Espiritu ng Ama kay Adan, ang demonyo ay dumating at siya ay nilinlang. Sinuway nina Adan at Eba ang kalooban ng Diyos, na siyang pinagmulan ng kasalanan. Magmula noon, ang kasalanan ay siyang naghari sa tao.
Ang unang Adan at ang kanyang mga lipi, maging ang buong sangkatauhan ay napasailalim sa espiritu ng kasalanan, na siyang espiritu ng pagsuway sa kalooban ng Ama. Tiningnan ng Diyos ang bawat indibidwal, pitong bilyon sa atin, sa paghahanap Niya ng katawang matitirhan, subalit walang bakante ni isa man. Ang kaaway ang siyang nananahan sa atin.
Ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak sa ‘Jewish Setting’
Ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak sa Hudyong katawan, na nabibilang sa Hudyong lahi, Hudyong pangalan at Hudyong kapanganakan, upang iligtas ang Kanyang bayang unang napili, ang mga Hudyo. Siya ay nagtungo sa Kanyang sariling bayan, subalit ang mga Hudyo ay pinaghaharian ng espiritu ng pagsuway.
Sinabi sa Kanila ni Jesus Christ, “Kayo ay salat sa isang bagay, at iyon ay ang espiritu ng pagsunod. Kinakailangan ninyong isuko ang lumang espiritu na nananahan sa inyo. Bagaman kayo ay mga Hudyo sa panlabas na kaanyuan, ang inyong loob ay pinamamahayan ng espiritu ni Satanas, na siyang espiritu ng pagsuway. Kayo ay mga anak pa rin ng demonyo.”
Subalit sa halip na tanggapin ang Kanyang mensahe, si Jesus Christ ay kanilang ipinako sa krus. Sinasabi ng Banal na Kasulatan, “Siya ay naparito sa sariling Kaniya, at Siya ay hindi tinanggap ng mga sariling Kaniya.” (Juan 1:11) Kung kaya’t Siya ay nagtungo sa Kanyang bagong bayan – ang bayan ng mga Hentil.
Ang Bagong Bayan – ang mga Hentil
Ang Roma 9:24-26 ay nagsasabi, “Maging sa atin na Kaniya namang tinawag, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi naman mula sa mga Hentil? Gaya naman ng sinasabi Niya sa aklat ni Oseas, Tatawagin kong Aking bayan na hindi ko dating bayan; At iniibig, na hindi dating iniibig. At mangyayari, na sa dakong pinagsabihan sa kanila, kayo’y hindi ko bayan, Ay diyan sila tatawaging mga anak ng Dios na buhay.”
Sa Kanyang Hudyong katawan, si Jesus Christ ay umakyat sa langit upang umupo sa trono ng Ama. Subalit habang Siya ay kasalukuyang nakapako sa krus, masaya Siya nang Kanyang nakita ang Kanyang binhi. Ang Isaias 53:10 ay nasasabi, “Gayon ma’y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog Siya; inilagay Niya Siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang Kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, makikita Niya ang Kanyang lahi, pahahabain Niya ang Kanyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa Kaniyang kamay.” Ito ay hindi makataong binhi. Ito ay ang binhi ng Diyos. Ang binhi ng Diyos ay ang Kanyang Salita. Higit sa dalawang libong taon ang lumipas, at ang binhing ito ay naipahayag. Siya ay naririto na!
Ang Tahanan ng Ama
Ang Ama ay naghanap ng modelong tahanan. Maraming tahanang matutunguhan, subalit wala ni isa mang karapat-dapat na maging modelo. Siya ay bumisita sa mga tahanang ito, subalit Siya ay walang matirhan sapagkat sa mga ito ay mayroon nang naghahari. Hanggang isang araw, siya ay bumisita sa aking tahanan (bahay?).
Ito ay aking nakita sa pamamagitan ng isang pangitain. Ang Panginoon ay napakarungis, gutom at maysakit. Sa espiritu, batid kong iyon ay ang Panginoon. Tinanong ko Siya, “Ano po ang nangyari sa Inyo, Panginoon? Bakit po Kayo madungis, nagugutom at may sakit? Ano po ang Inyong ginagawa rito sa Davao? Mayroon nga pong magarang simbahan sa dakong iyon na nagdadala ng Inyong pangalan, subalit bakit po wala Kayo roon?
Ako ay Kanyang tinugon, “Ako ay bumisita sa kanila, subalit Ako ay hindi nila tinanggap. Hindi rin sila naniwala na Ako ay Diyos.”
Siya ay muli kong tinanong, “Hindi rin po Kayo tinanggap ng simbahan sa dakong iyon?”
Sinabi Niya, “Ipinako Ako ng mga Hudyo sa loob ng anim na oras, subalit dalawang libong taon naman Ako ipinako ng mga taong ito! Higit silang naging tapat sa kanilang diyus-diyosan, kaysa sa Akin, kung kaya’t Ako ay hindi nila matanggap. Ako rin ay hindi tinanggap ng iba kong binisita, bagkus, Ako ay kanilang itinakwil nang sila ay walang napala sa Akin. Sila ay mga bayaran! Ikaw ay Aking nakita at Ako ay nagtungo sa iyo.”
Buong-puso kong sinabi sa Ama, “Ama, ako ay naririto, pumasok Ka sa aking tahanan. Ito ay mumunting bahay lamang sa kapirasong lupa. Subalit Ikaw ay buong-puso kong tinatanggap. Ililipat ko sa Iyo ang titulo ng bahay na ito. Ako ay iyong magiging lingkod at Ikaw ang magmamay-ari ng tahanang ito.”
Ang Pagtitiwala ng Ama
Ang tahanang iyon ay ang aking katawan, ang aking buong buhay! Isinuko ko sa Kanya ang aking buhay. Ako ay sumuko sa Kanya, hindi dahil sa Siya ay nagpakilala bilang hari, kundi dahil batid ko na Siya ang Panginoon. Nang wala ni isa mang tumanggap sa Kanya, Siya ay nagtungo sa akin. Ngayon ay nalalaman ko nang Siya ang nagmamay-ari ng pinakadakilang tahanan sa buong daigdig.
Sinabi ng Ama, “Ipagkakatiwala Ko sa iyo ang aking Pangalan, sapagkat ipinagkatiwala mo sa Akin ang iyong tahanan. Ipagkakatiwala Ko rin sa iyo ang Aking buhay, mga Salita at maging ang Aking Kaharian. Itataas Ko ang iyong posisyon. Ikaw ay hindi lamang magiging tagapaglingkod, kundi ikaw ay gagawin Kong Anak. Ako ay hindi lamang bibisita sa iyong tahanan na kagaya ng pagbisita Ko sa mga propeta at sa mga matutuwid na tao. Ako ay mananahan sa iyo. Ikaw ang Aking magiging tahanan. Ikaw ay Aking magiging tinig. Sa pamamagitan mo, Ako ay mangungusap sa Aking bayan.”
(Ikalawang Bahagi>>)
|