(Unang Bahagi)
Hindi batid ng mga Kristiyano kung ano ang tunay na nagaganap sa espiritu. Ang kanilang katapatan at ang kanilang paningin ay nakatuon pa rin hanggang ngayon sa Lumang Israel.
Alam ninyo bang ang Kaharian ay hindi na muling ibabalik pa sa kamay ng etnikong Israel? Ang Kaharian ay habambuhay nang kinuha mula rito. Sa Aklat ng Apocalipsis, mababasa natin ang patungkol sa Dakilang Babilonia, ang bantog na patutot. (Apo.14:8; Apo.18:2) Maraming naniniwala na ang Dakilang Babilonia ay ang Roma o ang Amerika. Ito ay hindi tama. Ang Dakilang Babilonia ay ang Lumang Israel. Ang Lumang Jerusalem ay tinatawag na Dakilang Babilonia at siya ay habambuhay nang tinalikdan ng Ama. Ito ang dahilan kung bakit Siya lumikha ng Bagong Jerusalem.
ANG BAGONG JERUSALEM NG DIYOS
Tayo ang Bagong Jerusalem. Ang Davao City ay pinili na maging Water Center ng buong mundo. Siya ang Bagong Jerusalem.
Sinasabi sa Mga Taga-Hebreo 12:25-29, “Pag-ingatan ninyong kayo’y huwag tumanggi sa nagsasalita. Sapagka’t kung hindi nakatanan ang mga nagsitanggi sa nagbalita sa kanila sa ibabaw ng lupa ay lalo pa tayong hindi makatatanan na nagsisihiwalay Doon sa nagbabalitang buhat sa langit:
Na ang tinig na yaon ay nagpayanig noon ng lupa: datapuwa’t ngayo’y nangako siya, na nagsasabi, “Minsan pang yayanigin ko, hindi lang ang lupa, kundi pati ang langit.”
“At itong salita, ‘Minsan pang,’ ay pinakakahuluganan ang pag-aalis niyaong mga bagay na niyanig, gaya ng mga bagay na ginawa, upang mamalagi ang mga hindi niyanig.
“Kaya’t pagkatanggap ng isang kahariang hindi magagalaw ay magkaroon tayo ng biyayang sa pamamagitan nito ay makapaghahandog tayo nang may paggalang at katakutan ng paglilingkod na nakalulugod sa Dios: Sapagka’t ang Dios natin ay isang apoy na namumugnaw.”
BAGONG LANGIT AT BAGONG LUPA
Sinasaad sa 2 Pedro 3:13, “Nguni’t, ayon sa Kanyang pangako ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran.”
Isaias 65:17, “Sapagka’t narito, Ako’y lumilikha ng mga bagong langit at ng bagong lupa at ang mga dating bagay ay hindi maaalala, o mapapasa-isip man.”
ANG NABIGONG PLANO NG AMA
Sa paghahari ng Ama sa pamamagitan ng Kanyang Hinirang na Anak, tayo ay binigyan ng katagumpayan at pamamahala sa sanlibutang ito. Nang nilikha ng Ama sina Adan at Eba, ang Kanyang plano sa simula’t simula pa ay upang sila ay maghari sa lahat ng bagay. Nilikha Niya ang tao sa Kanyang sariling wangis, pinagpala sila at sinabi sa kanila, “Kayo’y magpalaanakin at magpakarami at inyong kalatan ang lupa.” (Gen. 9:1) Binigyan Niya sila ng awtoridad at kapangyarihan sa lahat bagay sa ibabaw ng lupa. (Gen. 1:29-31)
Subalit ang plano ng Ama na pagkalooban ng pamamahala ang tao sa lahat ng bagay ay nabigo sapagkat ang tao ay nahulog sa pagsusuway. Kinain niya ang ipinagbabawal na bunga at siya ay naging gaya ng Diyos, na nakababatid sa pawang mabuti at masama.
ANG BINHI NG AHAS
Hindi alam ng mga tao na ang ipinagbabawal na bunga ay may dalawang mukha: ang masama at ang mabuti. Nang nilinlang ng demonyo ang tao, alam niyang kapag pinili ng taong kainin ang masamang bahagi ng bunga sa pamamagitan nang pagsusuway sa kalooban ng Diyos, gamit ang kanyang free will, ang kasamaan ay magiging dominante sa tao. Subalit kung pipiliin ng tao ang mabuting bahagi ng bunga, sa pamamagitan nang pagsusunod sa kalooban ng Ama, gamit din ang kanyang free will, ang mabuti ay magiging dominante sa tao. Subalit pinili ni Adan at ni Eba na kainin ang masamang bahagi ng bunga.
Kung kaya’t ang kasamaan, na siyang binhi ng ahas, ay naipunla sa tao. Ito ay lumago at naging dominante mula noon.
ANG ESPIRITUWAL NA DNA
Tayo ay may ‘mabuti’ pa rin sa ating loob, subalit hindi natin nagagawa kung ano ang mabuti sapagkat tayo ay walang kapangyarihang gawin ito. Ito ay alam ng kaaway sa simula’t simula pa. Ito ang dahilan ng kanyang paglilinlang.
Alam mo kung ano ang mabuti at alam mo kung paano ito gawin, subalit patuloy ka pa rin sa paggawa ng masama, sapagkat ito ang ibinubunga ng iyong spiritual DNA. Ito ang iyong spiritual genetics. Ito ay hindi mo matatakasan.
ANG PROBLEMA NI PABLO
Si Pablo ay naharap din sa ganitong problema nang siya ay naging apostol. Sinabi niya sa Mga Taga-Roma 7:13-25, “Ang mabuti nga baga ay naging kamatayan sa akin? Huwag nawang mangyari. Kundi ang kasalanan, upang maipakilalang kasalanan, sa pamamagitan ng mabuti ay gumawa sa akin ng kamatayan;—na sa pamamagitan ng utos ang kasalanan ay maging lalong sala.
“Sapagka’t nalalaman natin na ang kautusa’y sa espiritu: nguni’t ako’y sa laman, na ipinagbili sa ilalim ng kasalanan. Sapagka’t ang ginagawa ko’y hindi ko nalalaman: sapagka’t ang hindi ko ibig, ang ginagawa ko; datapuwa’t ang kinapopootan ko, yaon ang ginagawa ko.
“Nguni’t kung ang hindi ko ibig, ang siyang ginagawa ko, ay sumasang-ayon ako na mabuti ang kautusan. Kaya ngayo’y hindi ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin. Sapagka’t nalalaman ko na sa akin, samakatuwid ay sa aking laman ay hindi tumitira ang anumang bagay na mabuti: sapagka’t ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa’t ang paggawa ng mabuti ay wala.”
ANG PAKIKIDIGMA SA LOOB NATIN
“Sapagka’t ang mabuti na aking ibig ay hindi ko ginagawa: nguni’t ang masama na hindi ko ibig ay siya kong ginagawa. Datapuwa’t kung ang hindi ko ibig, ang siya kong ginagawa ay hindi ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin. Kaya nga nasumpungan ko ang isang kautusan na, kung ibig gumawa ng mabuti, ang masama ay nasa akin. Sapagka’t ako’y nagagalak sa kautusan ng Dios ayon sa pagkataong loob:
“Datapuwa’t nakikita ko ang ibang kautusan sa aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pag-iisip at dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap. Abang tao ako! Sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?
“Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin. Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pag-iisip, sa kautusan ng Dios; datapuwa’t ang laman ay sa kautusan ng kasalanan.”
ANG LAMAN AY NANANAIG
May pakikidigmang nangyayari sa loob natin. Sa ating isipan, alam natin kung ano ang mabuti at nais natin itong gawin, subalit ang ating katawan, na siyang ating karnal na laman ay higit na makapangyarihan at siyang nananaig, hangga’t tayo ay hindi pa nakapagsisi at nakapagsuko ng binhi ng ahas.
Kung susundin natin ang ating sariling kalooban, wala talaga tayong pag-asang mailigtas ang ating sarili; maging ito ay inamin din ni Apostol Pablo.
Ayon sa kanya, kailangan natin ng tagapagligtas na magliligtas sa atin mula sa problemang ito. Sino ang Tagapagligtas na ito? Wika ni Pablo, “Ang Panginoong Jesucristo ang Tagapagligtas natin.
(Ikalawang Bahagi>>) |