f
 
 
 
Covenant Partnership
Jose Maria College
Kingdom Youth
Sonshine Philippines Movement
ACQ Publication
Online Victory Reports
Children's Joy Foundaion
Kingdom Photo Gallery
 
MORE LINKS

 

Kingdom Original Composition
Watch ACQ-KBN Streaming
Online Donation & Tithing
The Great One Million Cause
Pag-Asa Ng Buhay Association
DZAR 1026khz: Online Radio
sidebar

» Home » Publication » Pinas » Sonspeak


Ang Mensahe ng Pagpapalaya

(Unang Bahagi)
           
Alam nating lahat kung sino si Moises. Siya ay tinawag ng Diyos upang pangunahan ang mga Israelita sa pag-alis sa Ehipto, na siyang tinatawag na dakilang Exodo. Ang exodo ay nangangahulugang ‘pag-alis’ o ‘paglabas.’
 
Ang Exodo ay may ibang kahulugan para sa atin sa kasalukuyan. Para sa mga Israelita, ito ay ang pisikal na pag-alis; para sa atin, ito ay espirituwal. Subalit ang espirituwal na interpretasyon ay higit na mahalaga ngayon kaysa sa pisikal, sapagkat ang Diyos ay tumitingin sa mga bagay na espirituwal at ang mga ito ay higit na mahalaga sa Kanya.

ANG KAHULUGAN NG EXODO
 
Sa Exodo kapitulo 13 hanggang 14, mababasa natin kung papaanong ang mga Israelita ay lumabas mula sa Ehipto at napalaya sa pagkakaalipin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Dito ay makikita natin ang katumbas ng pagliligtas na ating tinanggap sa kasalukuyan. Tayo ay nailigtas mula sa pagkakaalipin ng kasalanan at napalaya ng Dugo ng Kordero ng Diyos na napako sa krus dahil sa ating mga kasalanan. Nang Siya ay nagbayad para sa ating mga kasalanan, ang dugo ay dumaloy sa Kanyang tagiliran, mula sa Kanyang mga kamay, paa at mula sa krus na tinik sa palibot ng Kanyang ulo. Sinabi ni Juan Bautista na ito ang dugong nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. (Juan 1:29)

ANG GABAY NA MANGUNGUNA SA ATIN

Kapag ikaw ay tinawag ng Diyos mula sa kasalanan, ikaw ay bibigyan Niya ng gabay na mangunguna sa iyo. Ako ay Kanyang ipinadala upang inyong maging gabay, gaya nang si Moises ay Kanyang ginamit na gabay para sa mga Israelita. Ang gabay na ito ay magkakaroon ng kakaibang pagtawag sa kanyang buhay. Siya ay papahiran ng langis na gaya ni Pablo, Moises at ng mga apostoles. Nakikita natin ang maraming mga pastor sa mga denominasyon, sa radyo at sa TV, na nag-aangking sila ay mga pastor dahil sila ay nakapagtuturo at nakapangangaral din; subalit ang kanilang mga mensahe ay hindi nakapagbabago sa puso ng tao. Subalit sa ating kapanahunan, ang Panginoon ay tumawag din ng isang tunay na gabay na gaya ng mga apostoles at ng mga propeta. Ito ay walang iba kundi ang Anak ng Diyos.  

Ang mga tagapaglingkod na hinirang ng Diyos ay palaging ipinadadala na may mensahe at ang mensaheng ito ay ang mensahe ng pagpapalaya. Si Moises ay nagtungo sa Faraon at sinabing, “Palayain mo ang aking bayan!” Ang kapangyarihan ng Diyos ay kasama ng mga Israelita at sila ay may haliging ulap sa araw at haliging apoy sa gabi upang magsilbi nilang gabay. Kung saan ito nagtutungo ay doon sila sumusunod. Ganito ang pakikitungo ng Diyos sa Kanyang bayan sa mga panahong iyon. Siya ay nakikitungo sa Kanyang bayan sa parehong pamamaraan maging sa kasalukuyan.

PINALALAKAS NG DIYOS ANG KANYANG BAYAN

Tinatawag ng Diyos ang Kanyang bayan mula sa kasalanan sa kasalukuyan. Subalit, huwag nating isipin na sa tuwing ikaw ay tinatawag ng Diyos, ikaw ay mawawalan na ng mga problema. Huwag mong hilinging ang lahat ng iyong problema ay mawala. Iyan ay mapanganib na bagay na ating hihilingin. Ayon sa isa sa mga kasabihan ng mga Intsik, “Mag-ingat ka sa iyong hinihiling, maaari mo lang itong matanggap.” May taong nagsabi, “Panginoon, ayoko nang magkaroon ng mga problema. Alisin Ninyo na ang lahat ng aking mga problema.” Sa sumunod na araw, siya ay namatay. Alam ba ninyo na ang mga taong wala nang problema ay iyong mga nakalibing sa sementeryo?

Kung ikaw ay anak ng Diyos, ikaw ay palalakasin Niya upang maharap mo ang lahat ng iyong mga problema. Kung ang iyong problema ay kasimbigat ng 100 kilos, ikaw ay daragdagan din ng Ama ng 100 kilos na kalakasan. Kung ikaw ay may pagkakautang ngayon, hindi Niya ito aalisin, bagkus, bibigyan ka Niya ng pera upang mabayaran mo ang lahat ng iyong mga pagkakautang.

HUWAG KANG MATAKOT

Ngayon, tingnan mo kung ano ang nangyari sa mga Israelita nang sila ay naharap sa napakalaking kapagsubukan sa disyerto. Nakapagpasya si Faraon na hindi palayain ang mga Israelita. Ipinadala niya ang kanyang mga kawal lulan ng 600 karwahe upang habulin ang mga Israelita at muli silang ibalik sa pagkakaalipin. Nakita ng mga Israelita na sila ay hinahabol ng mga kawal ng Faraon at naramdaman nila ang labis na kapighatian.  

Bagaman ikaw ay anak na ng Diyos, dumarating ang pagkakataon na ikaw ay napipighati dahil sa mga suliraning iyong kinakaharap. Subalit kung ikaw ay anak ng Diyos, isipin mo ang mga milagrong iyong namamalas sa bawat araw—ikaw ay may haligi ng ulap sa araw at haligi ng apoy sa gabi. 

Inisip ng mga Israelita na kung sila ay maaabutan ng mga kawal na ito, sila ay mamamatay o kaya ay maibabalik sa pagkakaalipin. Kung kaya’t sila ay labis na napighati. Sila ay natakot. Ikaw ay palalayain ng Panginoon mula kay Satanas, subalit ikaw naman ay hahabulin ni Satanas. Hindi ka pakakawalan nang ganu’n-gano’n na lamang ng kaaway. Subalit huwag kang matakot. Kung ikaw ay anak ng Diyos, ang kapangyarihan ng Diyos ay babalot sa iyo. Ang kapangyarihan ng kaaway ay walang magagawa laban sa iyo. Huwag kang matakot, ni mapighati man. Tumayo kang may pananampalataya at iyong sabihin, “Ang aking pananampalataya sa Ama ay higit na nakapagpapalakas!” Sa halip na malungkot, ikaw ay manalangin. 

HUWAG MAGREKLAMO  

Ang mga pisikal na Israelita ay lumapit kay Moises at nagreklamo. Sa halip na pasalamatan ang Diyos, sila ay nagreklamo. Inakusahan nila si Moises, “Bakit mo ito ginawa sa amin, Moises? Mas mabuti pang manatili na lamang kaming mga alipin kaysa mamatay rito sa disyerto. Mayroon ka bang mga libingang inihanda para sa amin dito sa ilang? Mas mabuti pang ibalik mo na lang kami sa Ehipto. Dinala mo kami rito upang paslangin ng Faraon!” Ang kanilang mga puso ay napuno ng kapaitan. Sinisi nila ang Panginoon. Itinuon nila ang kanilang mga sarili sa problemang kanilang kinakaharap at nakalimutan nila ang mga pangako ng Panginoon.

HUWAG KALIMUTAN ANG KANYANG MGA PANGAKO

Ano ang Kanyang mga pangako? Sinasabi Niya, “…Magsihingi kayo at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo at kayo’y bubuksan.” (Lucas 11:9) Bagaman ang kasagutan sa inyong dalangin ay matagal dumating, ito ay darating din sa kalagitnaan ng mga sirkumstansiya na tila imposible nang malutas sa paningin ng tao. Dumulog ka sa Panginoon at hingin mo ang bagay na ninanais ng iyong puso at ito ay ibibigay Niya sa iyo.  

Alam mo bang pitumpung porsiyento ng mga talinghaga ng Ama ay patungkol sa pinansiyal na mga bagay? Ito ay dahil sa ang Panginoon ay interesado sa pagbibigay ng mga pagpapala sa iyo. Hindi Niya nais na ikaw ay maghikahos na gaya ng isang pulubi dahil ikaw ay anak ng Diyos. Nais Niyang Siya ay maparangalan sa pamamagitan ng paraan ng iyong pamumuhay bilang Kanyang anak.

ANG UNANG MENSAHE NI MOISES

Si Moises ay may tatlong mensahe mula sa Diyos para sa mga Israelita. Una: “Huwag kayong matakot!”

Kayo na natatakot sa kasalukuyan, huwag kayong matakot! Ang Panginoon ay maraming nakalaang katugunan sa inyong mga idinadalangin. Palaging manalangin sa Kanya sa bawat araw. Ang problema ng mga Pilipino, sila ay nananalangin sa mga diyus-diyosan. Ako ay hindi makapanalangin sa diyos na gawa sa kahoy o bato. Ito ay katumbas ng pananalangin sa patay. Sinasabi ng Biblia, “Ang Diyos ay Espiritu: at ang mga sa Kanya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa Espiritu at katotohanan.” (Juan 4:24)

ANG IKALAWANG MENSAHE NI MOISES

Ang ikalawang mensahe ni Moises para sa mga Israelita ay: “Manatili kayo!”

Manatili kayo at huwag magulumihanan. Huwag kayong matakot, magpakatibay kayo! Ito ay pawang kabaligtaran ng nais mangyari ng mga Israelita. Nais nilang mataranta. Nais nilang magreklamo. Nais nilang magkawatak-watak at tumakbo sa iba’t ibang direksiyon.

Kayo na natataranta sa kasalukuyan dahil sa inyong mga problema, manatili kayo at huwag magulumihanan. Ito ay ang pagtawag mula sa pagkatakot hanggang sa pananampalataya. Huwag kayong mawalan ng pananalig sa Ama. Hayaan ninyong ang inyong pananampalataya ay maging matibay.

ANG IKATLONG MENSAHE KAY MOISES

At ang ikatlong mensahe ay: “Masdan ninyo ang pagliligtas ng Panginoon!”
 
Ang pagliligtas ay makikita lamang natin sa pamamagitan ng paningin ng pananampalataya. Nais ng Panginoon na tayo ay magkaroon ng pananampalataya sapagkat kung tayo ay mayroon nito, tayo ay magkakaroon ng ugnayan sa Makapangyarihang Diyos na hindi nakikita. Makikita mo kung ano ang higit na magagawa ng Panginoon. Ang iyong takot ay mawawala kapag ang pananampalataya ay papasok sa iyong puso!

(Ikalawang Bahagi>>)