f
 
 
 
Covenant Partnership
Jose Maria College
Kingdom Youth
Sonshine Philippines Movement
ACQ Publication
Online Victory Reports
Children's Joy Foundaion
Kingdom Photo Gallery
 
MORE LINKS

 

Kingdom Original Composition
Watch ACQ-KBN Streaming
Online Donation & Tithing
The Great One Million Cause
Pag-Asa Ng Buhay Association
DZAR 1026khz: Online Radio
sidebar

» Home » Publication » Pinas » Sonspeak


Ang Pagkasuwail ng Israel

Nang ipanganak tayo rito sa mundo, sa loob natin ay may hibla ng DNA na nagsasabi kung sino tayo. Malalaman dito kung sino ang ama natin. Katambal ng hibla ng DNA natin ang hibla ng DNA ng ama natin, na nagmula naman sa DNA ng sarili niyang ama.

Ganito rin sa espiritu. Nasa loob natin ang espiritwal na DNA na galing sa ating mga magulang. Masusundan ang hibla ng ating espiritwal na DNA hanggang kina Adan at Eba.
Nang matukso ni Satanas sina Adan at Eba para suwayin ang Diyos nang tikman nila ang bawal na prutas, nagawa niyang itanim sa tao ang kaniyang espiritu. Ang espiritu ni Satanas ay ang binhi ng pagsuway sa kalooban ng Diyos. Itong masamang binhi ay DNA ni Satanas na ipinamana ni Adan at Eba sa lahat ng kanilang angkan—sa lahat ng lalaki at babaeng isinilang dito sa mundo. Kaya isinilang tayo na may espiritu ng kasalanan. (Mga Romano 3:21). Isinilang tayong lahat na anak ng demonyo.

Ang plano ng kaligtasan

Pero hindi ganito ang ginusto ng Diyos. Mula sa umpisa, gusto ng Ama na maitanim sa atin ang Kaniyang espiritwal na binhi o DNA na tinatawag mabuting binhi. Ito ang espiritu ng pagsunod sa kalooban ng Diyos, pero naiwaksi ang mga plano ng Diyos dahil pumasok ang kasalanan sa mundo.

Kaya ipinadala ng Diyos ang Kaniyang Anak, si Hesukristo para makatulad natin siya. Gayong isa siyang tao, hindi natin katulad si Kristo dahil wala siyang DNA ni Satanas. Galing sa Diyos ang kaniyang DNA. Nasa Kaniya ang mabuting binhi. Pumunta Siya sa lupa para maibigay sa atin ang binhing iyon at muli tayong maging mga anak ng Diyos.  Ito ang dakilang plano ng kaligtasan.

Inialay ni Hesus ang mabuting binhi sa Israel

Isinilang si Hesus sa bayang hinirang ng Diyos. Nang dumating Siya, sinabi Niya sa mga Hudyo, “Ako ang Mabuting Binhi. Ako ang tunay na Anak ng Diyos. Kayo ang hinirang na bayan ng Ama, ngunit hindi pa kayo mga anak Niya dahil nasa inyo pa ang masamang binhi, at kung hindi ninyo maiwawaksi ang binhing iyon, hindi kayo maaaring maging mga anak ng Diyos. Narito ako para baguhin ang kalagayang ito.

“Tingnan ninyo ako,” sabi ni Hesus, “isa akong Hudyong katulad ninyo, ngunit naiiba akong Hudyo dahil tangi ang aking espiritu. Maliban kung magiging katulad ninyo ako, hindi kayo makapapasok sa Kaharian ng Diyos.” Ipinahayag Niya sa kanila na may isang paraan lamang para maalis ang masamang binhi, at sa pamamagitan ito nang tunay na pagsisisi.

Ang tunay na pagsisisi

Ano ang pagsisisi? Ang pagsisisi ay ang pagsuko sa kalooban ng Diyos sa pagsasabing “Ama, ang kalooban Mo at hindi ang sa akin ang masusunod sa buhay ko,” tulad ng isinaad ni Kristo sa Ama sa Hardin ng Gethsemane. “Sumuko kayo sa Ama tulad ng pagsuko ko sa Kaniyang kalooban. Kapag ginawa ninyo ito, malulugod sa inyo ang Ama, tulad ng pagkalugod Niya sa akin.” Pero sa halip na itakwil ang masamang binhi at tanggapin ang mabuting binhi, iwinaksi Siya ng mga Hudyo at ipinako sa krus. Kaya inialis sa kanila ang kaligtasang alay ni Hesus.  

Nagalit ang Dios sa Israel

Sinimulan na ang plano ng kaligtasan noon pang panahon ni Moises, nang palayain ng Diyos ang Kaniyang bayan mula sa pagkaalipin sa Ehipto, pero suwail at matigas ang ulo ang mga Israelitas. Hindi nalugod sa kanila ang Diyos dahil ayaw nilang magsisi. Sa Eksodo 32:9-14, sinabi Niya kay Moises: “Nakita ko ang bayang ito, at tingnan, suwail ang mga taong ito, kaya hayaan ako, na ang galit ko ay mainit na iparamdam sa kanila, at sila’y maparusahan ko.”

Gustong wasakin ng Diyos ang Israel, maliligtas lamang si Moises para makalikha Siya ng bagong bayan mula sa kaniya.  Pero nagmakaawa si Moises sa Panginoon at sinabi, “Bakit hahayaang mag-init ang galit mo sa aking bayan na sa makapangyarihan at sa malakas na kamay ay iniligtas mo mula sa lupain ng Ehipto.

“Ano ang sasabihin ng mga taga-Ehipto, na biro lamang Niya iniligtas ang mga tao, at papaslangin sa kabundukan, at burahin sila sa ibabaw ng mundo? Huwag pong ituloy ang Inyong galit, at bawiin ang masamang balak sa Inyong bayan.”

Grasya para sa piniling bayan

“Alalahanin sina Abraham, Isaac at Israel, ang inyong mga lingkod na itinuring na hindi iba sa inyo, at sinabi sa kanila, pararamihin ko ang inyong lahi tulad ng mga bituin sa langit, at ang sinasabi kong lupain ay ipagkakaloob ko sa inyong lahi at mamanahin nila ito sa habampanahon.”

At binawi ng Panginoon ang masamang balak sa Kaniyang bayan. Ito ang dahilan kung bakit hindi winasak ang Israel, ngunit nanatili ang masamang binhi sa loob ng mga tao at hindi ito maialis dahil sa kanilang pagkasuwail.

Tinanggihan ng Israel na maging hari nila ang Diyos

Sa panahong propeta ng Israel si Samuel, naging sobrang rebelde at suwail ang mga Hudyo sa Diyos kung kaya isang araw, nagtipun-tipon sila at nagdesisyon na itakwil bilang hari ang Ama at pumili na lamang ng isang hari na mamumuno sa kanila, tulad ng mga bansang nakapaligid  sa kanila na mayroong sariling mga hari. 

Gayong labis na nalungkot ang Panginoon sa pagtatakwil ng Israel, sinabi Niya sa propetang si Samuel na sumang-ayon na sa kanilang hiling. Sa 1 Samuel 8:7-8, sinabi Niya, “Pakinggan ang tinig ng tao sa lahat ng sabihin nila sa iyo: dahil hindi ka nila itinakwil kundi ako, na hindi ako dapat maghari sa kanila.”

“Ayon sa lahat ng gawaing ginawa nila mula sa araw na palayain ko sila sa Ehipto at hanggang ngayon, pinabayaan nila ako at sumamba sa ibang diyos, at ganoon din ang gagawin nila sa iyo.”

Muli na namang naunsiyami ang plano ng kaligtasan dahil hindi na maaaring tuwirang makipag-ugnayan ang Ama sa Kaniyang bayan para baguhin ang kanilang espiritu. Kinailangan Niyang gawin ito sa pamamagitan ng mga hari at mga propeta. Kaya nagpatuloy ang kasaysayan ng Israel hanggang sa wakas ng panahon ng mga hari. Sinakop ng mga dayuhan ang Israel, pinatay ang mga tao at muli na namang sinakop at ginawang alipin.

Hindi pisikal na pagkaalipin

Dahil napailalim ang Israel sa kaniyang mga kaaway, dumaing sila sa Ama para mabigyan sila ng Mesiyas. Kaya ipinadala sa kanila ng Diyos ang Kaniyang Anak, si Hesukristo para muli silang iligtas sa kaalipinan. Hindi nila alam na dumating si Kristo hindi para iligtas sila sa pisikal na pagkaalipin, kundi sa espiritwal na pagkaalipin.  Gumawa si Hesukristo ng maraming himala sa kalagitnaan ng bayan upang mapatunayan sa kanila na Siya ay nagmula sa Diyos.  Pero iba ang epekto nito sa mga tao.

Sa Juan 6:14, mababasa natin na gusto nilang gawin si Hesukristo na kanilang hari: “At ang mga taong iyon, nang makita nila ang himalang ginawa ni Kristo, ay nagsabing ito ang isang katotohanan na dapat pumunta sa mundo ang Propeta. Kaya nang makita ni Hesus na pupuntahan siya at pipilitin Siyang isama para gawing hari, muli siyang pumunta sa bundok para mapag-isa,”

Ang Pagkahari ni Hesus

Subalit, may ilang taong nakakaalam din na isa Siyang hari na dumating para iligtas sila mula sa kasalanan at sila’y nagsimulang magdiwang at pumuri sa Diyos sa malakas na tinig para sa lahat ng dakilang gawaing kanilang nakita; Nagsabi, Purihin ang Hari na dumating sa ngalan ng Panginoon: kapayapaan sa langit at glorya sa kaitaasan.” (Lukas 19:37-38)     

Sa pagkakataong ito, ipinakilala ni Hesus ang Kaniyang Pagkahari at ipinahayag sa kanila ang mensahe ng Kaniyang pamumuno, sinabing “Magsisi dahil nalalapit na ang pagdating ng Kaharian ng Diyos.” Pero dahil ayaw tanggapin ng mga Hudyo ang Kaniyang Paghaharing espiritwal o ang Kahariang espiritwal na iniaalay Niya sa kanila, itinakwil din Niya sila.  Ang kaligtasan na dapat para sa mga Hudyo ay ibinigay sa isang bagong bayan kung saan Niya maitatanim ang Kaniyang mabuting binhi—ang bayan ng mga Hentil.
 

Quote:

Dumating si Kristo hindi para iligtas tayo sa pisikal na pagkaalipin,
kundi sa espiritwal na pagkaalipin.