(Unang Bahagi)
Ang binhing ito ay nabanggit sa Genesis 3, na nagsasaad ng kuwento patungkol sa panunukso ng kaaway kay Eba.
Genesis 3:1-13
“Ang ahas nga ay lalong tuso kaysa sa alinman sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alinmang punongkahoy sa halamanan?
2At sinabi ng babae sa ahas, Sa bunga ng mga punongkahoy sa halamanan ay makakakain kami:
3Datapuwa’t sa bunga ng punongkahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo’y mamatay.
4At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay:
5Sapagka’t talastas ng Dios na sa araw na kayo’y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo’y magiging parang Dios, na nakakikilala ng mabuti at masama.
6At nang makita ng babae, na ang bunga ng punongkahoy ay mabuting kainin, at nakalulugod sa mga mata, at kahoy na mananasa upang magpantas sa tao, ay pumitas siya ng bunga niyaon at kinain; at binigyan din niya ang kanyang asawang kasama niya, at ito’y kumain.
7At nadilat kapuwa ang kanilang mga mata, at kanilang nakilalang sila’y mga hubad; at sila’y tumahi ng mga dahon ng puno ng igos, at kanilang ginawang panapi.
8At narinig nila ang tinig ng Pangioong Dios na lumalakad sa halamanan sa kulimlim ng araw: at nagtago ang lalaki at ang kanyang asawa sa harapan ng Panginoong Dios sa pagitan ng mga punongkahoy sa halamanan.
9At tinawag ng Panginoong Dios ang lalaki at sa kanya’y sinabi, Saan ka naroroon?
10At sinabi niya, Narinig ko ang iyong tinig sa halamanan, at ako’y natakot sapagka’t ako’y hubad; at ako’y nagtago.
11At sinabi Niya, Sino’ng nagsabi sa iyong ikaw ay hubad? nakakain ka ba ng bunga ng punongkahoy, na iniutos ko sa iyong huwag mong kainin?
12At sinabi ng lalaki, Ang babaing ibinigay mong aking kasamahin, ay siyang nagbigay sa akin ng bunga ng punongkahoy at aking kinain.
13At sinabi ng Panginoong Dios sa babae, Ano itong iyong ginawa? At sinabi ng babae, Dinaya ako ng ahas, at ako’y kumain.”
ANG UNANG HAKBANG
Sa bersikulo 13, nang sinabi ng babae, ‘Dinaya ako ng ahas, at ako’y kumain,’ siya ay hindi lamang kumain ng pisikal na bunga ng punongkahoy. Kung ito ay bibigyan natin ng espirituwal na kahulugan, ang kinain ng babae ay kung ano ang sinabi ng kaaway na kanyang kainin. Ito ay gawa ng pagsusuway. At kung paniniwalaan mo ang salita ng isang tao, ipinupunla mo ang paniniwalang ito sa iyong kaluluwa. Kung kaya, ang mga salita ay mga paniniwalang naipupunla sa iyong kaluluwa.
Gumamit tayo ng pisikal na halimbawa. Kapag ang babae at lalaki ay nagsisiping, ipinupunla ng lalaki ang kanyang binhi sa sinapupunan ng babae, at ito ay nakalilikha ng pisikal na buhay na katulad nila.
MGA BINHI NG ESPIRITU
Sa espirituwal na aspeto, ang mga espiritu ay may mga binhi. At si Lucifer ay ang espiritung pumasok sa katawan ng ahas. Ang mga binhi ng espiritu ay hindi pisikal, kundi espirituwal. Ang mga binhi ng espiritu ay mga salita.
Juan 6:63
“Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anumang pinakikinabangan: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay.”
ANG MAY-AKDA NG KAMATAYAN
“Ang mga salitang sinasalita ko sa inyo,” – ito ay mga binhi. Kung paniniwalaan mo ang mga salita ni Jesus Christ sa pamamagitan ng pananampalataya, ang mga ito ay naipupunla sa iyong kaluluwa. Ang mga ito ay makalilikha ng buhay – ng bagong buhay at ito ay magiging espirituwal na buhay na may pagsusunod sa Ama. Subalit kung tatanggapin mo ang mga salitang nagmumula kay Lucifer, si Satanas na siyang kaaway, ang mga salita o binhing ito na ipupunla sa iyong kaluluwa ay magdadala ng kamatayan, sapagkat si Lucifer ang may-akda ng kamatayan.
Kung kaya’t ang kamatayan ay pumasok sa babae, at maging sa lalaki, sapagkat sinuway rin ng lalaki ang mga salita ng Ama. Kung kaya’t silang dalawa ay namatay sa paningin ng Dios.
Genesis 3:14-15
“At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka’t ginawa mo ito, ay sumpain ka nang higit sa lahat ng hayop, at nang higit sa bawa’t ganid sa parang; ang iyong tiyan ang ilalakad mo, at ang alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay.
15At paggagalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kanyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kanyang sakong.”
ANG BINHI NG BABAE
“Ang iyong binhi at ang kanyang binhi,” – Dito, tinutukoy ng Dios ang binhi ng ahas at maging ang binhi ng babae. Ang binhi ng babae ay ang binhi ni Eba.
Kung kaya’t nang si Jesus ay isinilang ng isang babae, Siya ang unang binhi na Anak ng Diyos. At ang gawa ng kaligtasan ng Ama ay nakumpleto nang Siya ay humirang ng Anak mula sa fallen Adamic race.
Ako ay nabibilang sa kategoryang ito sapagkat ako ay purong miyembro ng fallen Adamic race. Kung kaya’t ako ay naririto. Ang aking ama at ina ay mga karaniwang tao. Ako ay pinili ng Ama upang maging Anak, sa pamamagitan ng paggamit sa Anak ng Diyos sa Hudyong kapanahunan bilang halimbawa. Ako ngayon ang binhi ni Jesus Christ na tinutukoy sa Isaias 53:10 na nagsasabi:
Isaias 53:10
“Gayunma’y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay Niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kanyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, makikita Niya ang kanyang lahi, pahahabain Niya ang kanyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kanyang kamay.”
(Huling Bahagi>>)
|